News

Pasilidad na Kakalinga sa mga May Diabetes, Pinasinayaan sa Tayabas City

Isinagawa nitong Lunes ang soft opening ng Diabetes Care Center sa Tayabas Community Hospital Incorporated (TCHI).

Ayon kay Dra. Samantha Obispo ng TCHI, nagsimulang itong i-conceptualize bago pa man tumama ang pandemya na naglalayong matulungan ang mga diabetic patients sa lungsod at maging pag-educate sa mga Tayabasin sa pag-iwas sa naturang sakit.

At ito naman ang nilinaw ni Medical Director Dr. Jeremias Gonzales sa kanyang mensahe na ang diabetes ay maaaring namang maiwasan subalit aniya napapabayaan lamang ang lifestyle tulad ng sa pagkain.

Nagkaroon din ng maigsing pagtatalakay sina Dra. Obispo at Dr. Edwin Dayahan kaugnay sa mga dapat gawin kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng diabetes. Personal din na dumalo sa programa si Mayor Ernida Reynoso at ipinaabot ang pasasalamat sa pamunuan ng ospital dahil sa malaking tulong nito para sa mamamayang Tayabasin.

Pin It on Pinterest