Quezon Huskers, bumwelta sa 4th quarter; wagi sa kanilang opening game sa MPBL
Naitala ng Quezon Huskers ang unang panalo sa kanilang opening game sa 6th Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kontra sa Valenzuela Classic, 88-81.
Bumwelta ang Huskers sa 4th Quarter matapos tambakan ng Classic sa first half ng 12 puntos. Nagpakawala ng dalawang mabigat na three pointers sa huling yugto ng bakbakan ang newly acquired player ng Huskers na si Xyrus Torres.
Bumida rin sa unang laro niya sa MPBL si Far Eastern University star guard LJay Gonzales na tinanghal na best player of the game na nagtala naman ng 18 points, six assist, at seven rebounds.
Ayon sa kanya, bagama’t katatapos lamang nilang magkampeon sa Pilipinas Super League (PSL) nakatanim umano sa lahat ng manlalaro na kailangang laging gutom sa panalo.
Simula pa lamang umano ito at sisikapin na maipapanalo nila hanggang dulo.
Samantala, bumagsak naman sa 1-2 ang standing ng kinapos na Valenzuela matapos ang pagkatalo ng Huskers.
Hindi nagawang buhatin ni CJ Payawal ang koponan hanggang dulo sa kabila ng kanyang 18 puntos at magandang depensa na nagpahirap sa Huskers sa first at second quarter.
Box Scores: QUEZON 88 – Gonzales 18, X.Torres 14, Minerva 12, Sandagon 11, Matillano 9, Lagrama 8, Opiso 5, T.Torres 5, Gozum 4, Abundo 2, Rono 0, Salonga 0, Gravera 0, Marasigan 0, Bunag 0,
VALENZULA 81 – Payawal 18, Chauca 16, De Chaves 11, Manliguez 7, Santos 7, Dela Cruz 7, Lepalam 6, Armenion 4, Gotladera 3, Macion 2, Mohammad 0, Velasco 0, Martin 0, Delos Santos 0, Diego 0,
Quarterscores: 23-22, 39-51, 63-65, 88-81