Libreng serbisyong dental, medikal, hatid ng INC sa mga residente ng Polillo
Hindi alintana ng mga kasapi ng Christian Medical Dental and Paramedical Society (CMDPS), isang samahan ng Iglesia Ni Cristo na binubuo mga boluntaryong doktor, dentista, at paramedics ang halos higit anim na oras na byahe mula Quezon City hanggang isla ng Polillo, Quezon para magbigay ng serbisyong dental at medikal sa mga residente.
Dalawang doktor, tatlong dentista, dalawang nars, at iba pang mga boluntaryo ng INC ang umagapay sa mga residente sa naturang medical mission.
Bukod sa libreng check-up, nagbigay rin sila ng mga gamot at bitamina.
Ayon kay Dr. Denise Sunga, ang kanilang bolunterismo ay bahagi ng misyon ng INC sa pagtulong sa mga komunidad at paggawa ng kabutihan sa kapwa tao.

