LocalNews

Tatay sugatan matapos pagtatagain ng sariling anak

Sugatan ang isang 55-anyos na tatay matapos pagtatagain ng sarili nitong anak sa Barangay Tubas, Unisan, Quezon, Abril 7.

Batay sa ulat, nag-iinuman umano ang mag-amang sina Alyas Rogelio at Alyas Romelito bandang 10:30 ng gabi sa isang kubo nang magkaroon ng pagtatalo kung kaya kumuha ng bolo ang suspek at pinagtataga ang tatay niya.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima matapos magtamo ng sugat dahil sa pananaga.

Naaresto rin naman ang suspek at nasa kustodiya na ng mga awtoridad habang stable na ang kondisyon ng tatay.

Pin It on Pinterest