NationalNews

CHR, kinundena ang serye ng pagpaslang sa mga barangay official

Mariing kinundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang serye ng pagpaslang sa mga barangay official sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon sa ahensya, nakaaalarma umano ang pagtaas ng bilang ng insidente ng karahasan sa mga opisyal ng barangay.

Sa pinakahuling ulat, isang sangguniang barangay member ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Mamasapano noong Marso 30 habang isa ring kagawad na senior citizen ang pinagsasaksak hanggang sa mamatay sa Legaspi Albay noong Marso 8.

Matatandaang noong Pebrero, may pinaslang din na punong barangay at sangguniang barangay member sa Leyte habang hindi rin nakaligtas ang pangulo ng liga ng mga barangay sa Zamboanga.

Nanawagan ang CHR sa agaran at pantay na imbestigasyon.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na iniimbestigahan na ang mga insidente. Iginiit din nila na masyado pang maaga para sabihing motibo ang halalan sa 2025.

Pin It on Pinterest