News

Piggery at poultry owners sa Pagbilao, dumalo sa seminar ukol sa pest and waste management

Sumailalim kamakailan ang mga may-ari ng piggery at poultry farms sa bayan ng Pagbilao, Quezon sa isang seminar hinggil sa sanitation.

Layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng impormasyon ang mga piggery at poultry owner ukol sa maayos na sistema sa pagkontrol ng peste at waste management.

Kasama ang OIC ng Quezon Provincial Environment Management Unit ng DENR-Environmental Management Board Glizeria Verzo, natalakay ang pagkakaroon ng environment compliance certificate mula sa kanilang tanggapan.

Kasama din na sumailalim sa seminar ang mga Kapitan ng mga barangay na nakakasakop sa mga piggery at poultry farm.

Pagkatapos ng talakayan, nagkaroon ng open forum at pagpupulong para pag-usapan naman ang mga problemang iniuugnay sa mga ito tulad ng problema sa langaw.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan kabilang ang tanggapan ng Municipal Health Office at Municipal Environment and Natural Resources Office.

Dumalo rin sa programa si Sonny Orcullo ng Eco Green Cleaning Solution Inc.

Pin It on Pinterest