News

Palakasan system sa kapitolyo ng Lalawigan ng Quezon, wala raw

Wala raw palakasan system sa kapitolyo ng Lalawigan ng Quezon.

Sabi ni Quezon Governor Angelina Tan pantay-pantay ang pagtingin sa mamamayan ng Lalawigan ng Quezon, bukas ang kapitolyo sa kahit na sino, handa raw na tumulong sa abot ng makakaya.

Ang pahayag ay sinabi ni Tan sa harap ng 3,000 mangingisda mula sa ibat-ibang barangay sa Lungsod ng Lucena sa ginawang Fisherfolks Consultative Assembly noong July 6, 2023 na ginanap sa Quezon Convention Center.

Sinabi ng ina ng Lalawigan ng Quezon na hindi raw tumitigil ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng mga programa at proyektong makatutulong sa pag-unlad ng pangisdaan sa probinsya.

Sa naturang Consultative Assembly pinag-usapan ang mga kinahaharap na suliranin ng sektor ng mga mangingisda sa Lalawigan ng Quezon.

Halimbawa sa panahon ng habagat kung saan hindi makapalaot ang mga ito, bilang tugon nais ng gobernadora na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng livelihood program.

Ipinabot ng Pamahalaang Panlalawigan na tuluyan ng masawata sa probinsya ang ano mang illegal activies sa karagatang nasasakop ng Quezon, hinikayat ang mga ito na magsumbong sa ano mang nalalaman sa illegal fishing.

Naging katuwang naman sa nasabing konsultasyon ang punong tanggapan ng Provincial Agriculturist dumalo rin sila Vice Gov. Third Alcala, 2nd BM Vinette Alcala, at BM Yna Liwanag.

Nagbigay ng ilang relief supplies ang Department of Social Welfare and Development (DSW) sa mga fisherfolk.