Huskers, bigong tuldukan ang winning streak ng Knights
Bigo ang Quezon Huskers na tuldukan ang 9-game winning streak ng San Juan Knights sa main event ng 6th Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League, Agosto 12.
Tinambakan ng home team ang Quezon na #1 sa South Division sa iskor na 89-59.
Maagang inilatag ng Knights ang kalamangan sa pagtatapos ng half time, 49-30.
Sinubukan pa ng Huskers na baliktarin ang laro sa pagsisimula ng 3rd quarter nang burahin nila ang 18-kalamangan dahil sa matinding opensiba ng back-court trio nila na sina LJay Torres, Xyrus Torres, at Judel Ric Fuentes nagunit hindi nagpadaig si MVP Candidate si Orlan Wamar Jr na nagpakawala ng tres para ibalik ang momentum ng #2 team sa Noth Division sa 2:34 mark.
Hindi na nagawang sumagot ng Huskers at tuluyan nang lumobo ang kalamangan hanggang matapos ang 4th period.
Bumida si Agem Miranda sa Knights na sumuporta sa kanilang home grown player at nagrehistro ng kabuuang 14 points, six rebounds, at four assists para pahabain ang winning streak ng kanilang koponan sa 10.
Ito naman ang ikatlong talo ng Huskers sa kanilang huling apat na laro.

