9 na kabahayan, tinupok ng apoy sa San Andres, Quezon
9 na kabahayan ang tinupok ng apoy sa sa Sitio Santiago, Brgy. Pansoy, San Andres, Quezon, Agosto 12.
Ayon kay Mayor Ralph Lim, naganap ang insidente bandang alas-dos ng hapon sa hindi na nabanggit na sanhi.
Kasalukuyan umanong tumutuloy sa evacuation center ng naturang barangay ang mga pamilyang apektado ng insidente.
Samantala, wala namang naitalang nasaktan sa sunog na agad na naapula ng BFP San Andres katuwang ang BADAF, mga kawani ng pamahalaang pambarangay at residente.
Nakapagbigay na rin umano ng agarang tulong ang pamahalaang lokal.
Patuloy ang paalaala ng alkalde sa mga mamamayan ng San Andres na magdoble ingat at ilayo sa mga bata ang mga kagamitan tulad ng lighter, posporo, at ipa pang maaaring pagmulan ng sunog.