Fuentes, nagpasiklab sa Quezonian fans; umiskor ng 22 puntos sa panalo kontra Caloocan
Nagpaulan ng three-pointers si Quezon Huskers sharpshooter Judel Ric Fuentes sa harap ng home crowd kontra sa Caloocan Batang Kankaloo, Hunyo 7.
Pitong tres ang pinakawalan ni Fuentes para umalagwa sa Batang Kankaloo, 83-71 sa main event ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Quezon Convention Center.
Sa simula pa lamang ng laro, walong puntos agad ng inilamang ng south division depending champions, 8:39 mark bago pa maipasok ni Batang Kankaloo shooting guard Jeff Manday ang beyond the arc shot. 8-3.
Agad namang sumagot ng back-to-back threes si Fuentes 14-3. Bumawi nang pagpukol ang dayo at nagpalitan ng puntos ang dalawang koponan, 24-14 sa pagtatapos ng first quarter.
Mainit pa rin ang Huskers sa second quarter. Sumali na sa three-point party si Huskers all star Ljay Gonzales at Lucena City home grown Topeng Lagrama na nagpakawala ng buzzer beater three, 46-24.
3rd quarter nananatiling hot hand si Fuentes na bumitaw ng dalawang tres sa 7:13, at 6:17 mark dahilan para umabante ng 26 puntos ang home team, 56-29. Sinubukan ng Batang Kankaloo na pababain ang kalamangan subalit laging may sagot ang Huskers. Nagtapos ang naturang quarter sa iskor na 66-46.
Manaka-nakang binura ng Caloocan ang lamang sa free-throw line ngunit oras na ang kanilang naging kalaban.
Akyat sa 11-4 ang kartada ng Huskers habang 10-5 naman ang Batang Kankaloo. Sunod na makakatunggali ng Quezon ang Bulacan sa darating na Hunyo 18.

