Taguan ng mga granada, nadiskubre sa isang sementeryo sa Lucban
Nadiskubre ng isang Philippine Army reservist ang nasa 120 avtive hand grenade sa Palola Public Cemetery, Lucban, Quezon kamakailan.
Batay sa ulat ng Philippine Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, habang bumibisita sa libingan ng kaanak si PFC Bismarck Floyd Mandaing, miyembro ng 404th Ready Reserve Infantry Battalion ng 4th Regional Community Defense Group, nakita niya ang mga pampasabog na nakabaoon sa loob ng isang malaking natumbang puno.
Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad at sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) units upang masiguro na ligtas ang lugar at maiwasan ang posibleng kapahamakan.
Mabilis namang dumating ang EOD team sa lugar at isinagawa ang angkop na aksyon ukol sa mga nakuhang granada.

