NewsRegional

Lalaking nagbantang papasabugin ang PNP Anti-Cybercrime Group, arestado sa Batangas City

Inaresto ng mga awtoridad ang 40-anyos na lalaki sa Batangas City matapos magbanta na papasabugin ang headquarters ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng PNP.

Batay sa ulat, paulit-ulit na nagpost sa social media ang suspek gamit ang iba’t ibang account.

Nagmensahe rin umano ito sa official Facebook page ng ACG na sinasabing

“MAYROONG BOMBA JAN SA PWESTO N’YO ANUMAN ORAS O ARAW MAAARI ITONG SUMABOG ACTIONAN N’YO ANG SINASABI KO BAGO MAHULI AT MAGSISI.”

Gumamit din umano ang salarin ng iba’t ibang dummy accounts para sa nasabing pagbabanta.

Ayon kay PBGen Bernard Yang, acting director ng PNP ACG, nawa’y magsilbing babala sa lahat ng kriminal na umaabuso sa cyberspace ang pagkakaaresto sa suspek na nahaharap ngayon sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pin It on Pinterest