News

Kauna-unahang kasalang barangay sa Mulanay, Quezon, isinagawa

May kabuuang 22 magkasintahan ang sabay-sabay nag-isang dibdib sa Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong Lunes, April 17.

Ang Mass Wedding na pinangasiwaan ni Mayor Aries Aguirre ay ginanap sa Pamahalaang Barangay ng Barangay Poblacion 2 ng naturang bayan.

Ito ay handog para sa mga Mulanayin na nagnanais maikasal ngunit hindi sapat ang kakahayan upang maisakatuparan ang pangarap nilang kasal.

Dumalo sa aktibidad si Emman Revillosa, Executive Assistant, Daryl Viagedor, Municipal Civil Registrar, mga Sangguniang members at Kapitan Romeo Pineda.

Layunin ng aktibidad na ito na gawing legal ang pagsasama ng bawat mag-asawa at maging lehitimo ang kanilang mga anak. Ito ay isang kabanalan para sa pagsasama ng mag-asawa at siyang pundasyon ng pamilya.

Pin It on Pinterest