Kahandaan ng MSEUF graduates sa trabaho, mas pinalalakas ng partnership summit
Layon ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) Partnership Summit na mas maihanda ang mga mag-aaral sa totoong mundo ng trabaho sa pamamagitan ng internship programs, industry linkages, at research collaborations na magbibigay ng karanasan at kasanayang kailangan sa iba’t ibang propesyon.
Mas pinalakas ng MSEUF sa pangangasiwa ng Office of Scholarship, Endowment, Job Placement, and Alumni Relations (OSEJPAR) ang ugnayan ng akademya sa iba’t ibang sektor, institusyon, at lokal na pamahalaan na makatutulong sa mga mag-aaral ng unibersidad.
Binigyang diin ni OSEJPAR Director Maria Isabel Granada na hindi lang natatapos sa pagtanggap sa internship at job fair natatapos ang pakikipag-ugnayan ng unibersidad sa mga partners nito dahil maaari ring maging resource speakers sa mga aktibidad o pagsasanay na higit pang makalilinang sa mga mag-aaaral.
Tinalay naman ng guest speaker na si Maria Carmelita Coloma, program development and training head ng Wadwani Foundation Skilling – Calabarzon ang tunkol sa foundation at ang adhikain nitong mas pahusayin ang kalidad ng buhay at itaguyod ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng skills development partikular sa mga developing countries tulad ng Pilipinas, India, at iba pa.
Aniya nakikipagtulungan ang Wadhwani Foundation sa mga unibersidad at ahensiya ng gobyerno upang mapataas ang employment rate ng mga graduates at maging globally ready.
Samantala, kinilala naman ng MSEUF ang partners sa bawat larangan para sa iba’t ibang departamento na nakatuwang nila sa pagsusulong ng academic excellence, community development, at global competitiveness.
Isa ang Bandilyo na pinamumunuan ni Operations Director Niñel Pedro sa mga naging partner ng unibersidad.

