News

Higit P7-M na iligal na droga nasabat sa Lucena City

Bulto-bulto ng hinihinalang shabu ang nasabat ng operatiba ng drug enforcement unit sa isang drug suspek sa ginawang buy-bust operation sa Purok Narra, Immaculada Subd., Brgy. Isabang, Lucena City, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Adrian Sebuc Saludez, 34-anyos, isang motorcycle buyer and seller.

Batay sa report ng Quezon PNP, alas 12: 24 ng madaling araw, March 20, 2023 sa pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng PDEU-QPPO, PDEA4A-Quezon at Lucena Police sa isinagawang buy-bust operation positibo umanong nabilhan ng iligal na droga ang suspek ng isang police na nagpanggap na buyer gamit ang 60, 000 pesos 59 thousand dito ay pekeng pera. Matapos ang transaksyon, kagaad na dinakip ng operatiba si Saludez.

Nang siyasatin ng awtoridad ang dalang sling bag ng suspek, bulto-bulto ng iligal na droga ang tumambad na tinatayang nasa 375 grams ang timbang, 7,650,000.00 pesos ang street value nito.

Ang suspek ay kabilang sa mga high-value individual drug suspect ng Quezon Police Provincial Office.

Ang pagkakadakip umano sa suspek at sa mga nakuhang mga iligal droga ay malaking kabawasan sa iligal drug trade sa siyudad.

Ang suspek ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2022.

Pin It on Pinterest