NewsRegional

Alkalde ng Tanza, tinugis ang mga miyembro ng ‘gang’

Tinutukan ni Mayor Archangelo Matro katuwang ang kapulisan ang panghuhuli sa mga miyembro ng “TBS” sa lugar.


Ito ay matapos ang sunod-sunod na reklamo na kinasasangkutan ng gang kabilang na ang pagnanakaw at pambubugbog.


Hindi po papayag ang inyong lingkod na maghasik ng kaguluhan ang mga gang na iyan at nambubully ng Tanzeño,” pahayag ng alkalde.


Kaugnay nito, nagsagawa ng manhunt ang mga awtoridad sa mga itinuturong miyembro.


Agad namang may nasukol na kasapi ng gang. Nakumpiska sa kanila ang motorsiklong walang plaka, bala ng baril, at drug paraphernalia.


Patuloy namang paiigtingin ng mga pulis at kawani ng barangay ang pagbabantay sa mga paaralan upang mapigilan ang recruitment sa mga estudyante ganoon din ang serye ng pambubully o pananakit ng mga kabataang kasapi ng gang.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang naturang grupo at iginiit na ang mga pangyayari ay hindi kumakatawan sa kanilang layunin at magkakaroon ng imbestigasyon para sa sinasabing miyembro.

Nilinaw rin nila na ang kanilang kapatiran ay nakatuon sa positibong aktibidad at hindi sa marahas na gawain.

Pin It on Pinterest