hacklink bahislion bahislion giriş bahislion güncel bahislion güncel giriş
Uncategorized

Salamin sa mata, hindi tinipid para sa mga Lucenahing VIPs

Hindi tinipid at maayos na salamin para sa mga Lucenahin. Ito ang ipinahatid na mensahe ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa kanyang pagbati sa mga benepisyaryo ng mga salamin sa mata sa ilalim ng BOOMerang program ng Lucena City Government. Ipinaliwanag ng alkalde na ang tamang pagsusukat ng grado ay isa lamang paraan upang masigurong tunay na magagamit ng mga Lucenahing tatanggap nito ang kanilang mga salamin.


Pabiro pa nitong sinabi na huwag lamang tatapakan o mawawala ay tiyak daw na tatagal ang serbisyo ng mga salamin na ito sa mga benepisyaryo.


Kung magbaba po kami ng programa, minamarapat po namin na pangmatagalan po ito. Sinukatan po ba ang bawat isa ng mata? Chineck din po ang magkabilang mata. Ibig sabihin, tailor-fitted po ang bawat salamin sa bawat isa. Hindi po hinuhulaan, hindi po standard na sukat ng grado ang kinukuha natin at pipili kayo kung ano ang pwede. Ang bawat salamin po na ibibigay sa inyo ay nakasang-ayon sa bawat pangangailangan ng isang Lucenahin. Kung magkaiba ang grado ng magkabilang mata, ganoon din po ang matatanggap ninyong salamin. Higit sa lahat, sinigurado po nating matibay ito, huwag lang ninyong matatapakan o mawawala at pagsisilbihan kayo ng matagal ng inyong mga
salamin
.”


Ang programang pamamahagi ng mga salamin sa mata ay sa bahagi raw ng programang VIP ka ng Pamahalaang Panglungsod ng Lucena. Sinabi pa ng daynamikong punong ehekutibo na hindi lamang sa iilang programa naka-angkla ang programa.


Kasama rin anya dito ang mabuti at maayos na pakikitungo ng mga kawani ng gobyerno sa kani-kanilang kliyenteng Lucenahin.

Pin It on Pinterest