LocalNews

9 na wanted person, timbog sa magkakasunod na operasyon ng QPPO

Nasakote ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang siyam na wanted person sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.


Sa naturang bilang, isa ang most wanted sa regional level, dalawa ang sa provincial level, at anim ang nasa talaan ng Other Wanted Persons (OWP).


Ayon sa QPPO, nadakip sa General Nakar si alyas Tetet na kabilang sa Regional Level wanted person na nahaharap sa kasong Rape (4 Counts)


Mga tauhan naman ng Lucena Component City Police Station at Dolores Municpal Police Station ang umaresto sa parehong provincial level wanted na sina Carpio, may kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 at “Glen,” na may kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Ilan pa sa mga nadakip ay sina alyas Ariel sa Macalelon, may kasong paglabag sa Article 336; Raquel sa Tiaong na may kasong kasong paglabag sa BP 22. Ryan na may kasong RIR Homicide and Damage to Property, Jay sa kasong unjust vexation na parehong sa Sariaya.


Arestado ng 1st Quezon Provincial Mobile Force Company sina alyas “Ernan” at alyas “Brosio”. Nahaharap si alyas “Ernan” sa kasong Alarms and Scandal habang si alyas “Brosio” naman ay may kasong paglabag sa RA 7832.


Ayon kay PCol Romulo Albacea, provincial director ng QPPO, walang puwang sa lalawigan ang mga nagtatago sa batas. Patuloy umanong palalakasin ang operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak na mapapanagot na mapanagot sila sa batas at mapanatili ang kaayusan sa probinsya.

Pin It on Pinterest