News

Termite Gang umatake sa isang bangko sa San Antonio, Quezon

Pinasok ng mga hinihinalang miyembro ng “Termite Gang” ang isang sangay ng isang bangko sa bahagi ng Barangay Poblacion sa San Antonio, Quezon.

Batay sa report ng San Antonio PNP, alas diyes ng umaga noong Lunes, September 25, nang madiskubre ng isang marketing specialist na pinasok ang kanilang bangkong pinapasukan, ang Landbank San Antonio Branch.

Hindi pa matukoy ang halaga ng pera na natangay ng mga kawatan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumaan ang mga salarin sa kanal sa gilid ng highway sa tabi ng bangko at sinira ang sahig ng bangko upang tuluyang makapasok sa naturang establisyimento.

Ayon sa pulisya, posibleng nangyari ang pagnanakaw noong weekend habang walang trabaho ang mga empleyado.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagnanakaw at inaalim kung sino ang posibleng gumawa nito.

Pin It on Pinterest