Gov. Tan, nakikipag-ugnayan na sa NBI Cybercrime matapos gamitin ang kanyang pangalan sa pang-sscam
Nakikipag-ugnayan na sa NBI Anti Cybercrime Division si Quezon Gov. Helen Tan matapos umanong gamitin ang pangalan niya sa pang-sscam.
Ayon sa gobernadora, nakuhanan umano ng P60,000 ang isang punong barangay sa Polillo, Quezon na tumawag at ginaya ang boses niya gamit ang artificial intellegence o AI.
Gamit umano ng caller ang numerong 0975-503-2056. May nagpanggap rin umanong taga-GCash gamit ang numerong 0916-987-7611 habang ipinadala naman sa isang Harold Morales ang pera sa account number na 0965-861-8516.
Hinikayat ni Gov. Tan ang mga Quezonian na maging mapanuri sa mga hindi kilalang numero o Facebook user na nagmemensahe gamit ang kanyang pangalan.
Binigyang diin niya na hindi siya kailanman manghihingi ng pera sa mamamayan.