Gov’t employee, arestado matapos manapak sa loob ng police station
Inaresto ang 31-anyos na government employee matapos manapak sa loob mismo ng Lucena Component City Police Station, kamakailan.
Batay sa police report, nasa himpilan ang suspek at ang 34-anyos na biktima dahil nagkaroon sila ng pagtatalo sa isang bar sa lungsod.
Kapwa umano nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang dalawa nang pagsabihan ng mga awtoridad na manatiling kalmado at tumigil sa pagsigaw.
Subalit bigla na lang daw sinapak ng suspek ang biktima.
Agad namang inaresto ang naturang empleyado ng pamahalaan.
Inihahanda na ang reklamong Physical Injury at Simple Disobedience laban sa kanya.

