CDC sa Tumbaga 1, Sariaya, sinisimulan na
“…isang pangarap ang muling sisimulan sa pagpasok ng Taong 2026“
‘Yan ang sambit ng Sangguniang Barangay (SB) ng Tumbaga 1, Sariaya, Quezon sa pagsisimula ng konstruskyon ng Child Development Center (CDC) sa Purok 2.
Ayon sa SB na pinamumunuan ni Punong Barangay Rhyan Magadia, sinabi ng tagapangasiwa ng proyekto na sisikapin na sa naturang center na makapapasok ang mga daycare students sa pagbubukas ng taong panuruan 2026
.
“Ang proyektong ito ay isang hakbang ng Sangguniang Brgy ng Tumbaga 1 patungo sa mas matatag mas progresibo at mas mahuhusay na Kabataang Tumbagahin,” pahayag ng SB.
Magugunitang isinagawa ang groundbreaking ceremony noong Oktubre 2025.

