hacklink bahislion bahislion giriş bahislion güncel bahislion güncel giriş anadoluslot anadoluslot giriş anadoluslot güncel anadoluslot güncel giriş tlcasino tlcasino giriş tlcasino güncel giriş tlcasino mobil adres betwoon betwoon giriş betwoon güncel betwoon güncel giriş betosfer betosfer giriş betosfer güncel betosfer güncel giriş interbahis interbahis giriş interbahis güncel giriş interbahis mobil adres portobet portobet giriş portobet güncel giriş portobet mobil adres orisbet betovis betovis giriş betovis güncel betovis güncel giriş betlike betlike giriş betlike güncel giriş betlike mobil adres galabet galabet giriş galabet güncel giriş galabet mobil adres orisbet orisbet giriş orisbet güncel orisbet güncel giriş bahislion kingroyal kingroyal giriş kingroyal güncel giriş kingroyal mobil adres
News

Higit P5M biosecured at climate-controlled piggery, ipinagkaloob sa Tagkayayan

P5.5 milyong halaga ng biosecured at climate-controlled piggery ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Samahan ng Magbababoy ng Barangay San Francisco (SMBS) sa Tagkawayan, Quezon.

Isinagawa kamakailan ang Turn-Over Ceremony ng nasbing project sa naturang bayan sa pangangasiwa ng lokal na pamahalaan kasama ang mga kawani ng DA-4A mula sa Livestock Program at Regional Agricultural Engineering Division (RAED).

Ang SMBS ay mayroong 114 na miyembro ng mga magbababoy. Maituturing na sa bayan ng Tagkawayan, sila ang kauna-unahahg nabigyan ng nasabing pasilidad sa ilalim ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE).

Ayon kay Chief Municipal Agriculturist Juanito Panganiban, nagbunga ang masigasig na pag-aasikaso ng samahan sa mga kinakailangang requirement para makamit ang proyektong ito. Sa kabila nito ay inaasahan niya ang malawak na pakikilahok ng bawat isa para naman sa mga pagsasanay na isasagawa pa sa larangan ng biosecurity.

Samantala, taos puso ang pasasalamat ni Pangulong Leovina Cabanella ng SMBS na nangakong pagyayamanin nila ang lahat ng bigay ng gobyerno upang ito ay mapalago at makatulong sa lahat ng magbababoy sa kanilang lugar.

Dumalo rin sa aktibidad ang representante ni Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar, mga Contructor ng Astran Marketing and General Contractor Inc., Brgy. San Francisco Chairman Edmar Cantos, at iba pang bahagi ng lokal na pamahalaan.

Pin It on Pinterest