10-anyos na lalaki, patay matapos makuryente sa Lopez, Quezon
Patay ang isang menor de edad matapos makuryente sa Brgy. Banabahin Ibaba sa bayan ng Lopez, Quezon.
Kinilala ang biktima na isang 10-anyos na batang lalaki at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report ng Lopez PNP, habang nanunuod ng basketball ang biktima sa basketball court ng nasabing barangay nang aksidente itong makuryente ng electric wire na nilagay ng isang electrician sa naturang court.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, agad namang isinugod sa ospital ang biktima para sa asistensyang medikal, ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.