91 years old na Lola sa Lucena City kumuha ng Kursong Baking and Pastry Production
Sa kabila ng kanyang edad, bukas pa rin sa oportunidad ng pagkatuto si Lola Pasensia Amparo.
Ang 91 years old na lola ay inspirasyon ngayon sa marami matapos itong mag-enroll sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena Manpower Skills and Training Center para sa kursong Baking ang Pastry Production.
Ang pag-aaral ay walang limitasyon, sabi ni Lola Pasencia, hindi raw hadlang ang katandaan para matuto pa ng maraming bagay.
‘’Hindi kailangan pansinin ang edad hanggang kaya mo ng katawan mo at pinagkakalooban ka pa ng kalakasan ng Panginoon gumawa ka.”
Sa edad niyang 91, si Lola Pasencia ayon sa kanilang Instructor ay kayang kayang makipagsabayan sa kanyang mga kaklase.
Kung minsan siya pa nga raw ang may magandang output.
‘’Mabilis po ang catch up ni Ma’am Pasensia sa aming klase alam nya ang mga sukat kaagad, magaling gumawa . . . naka 3x na siya na siya ang may pinakamadang output sa kanila.” ayon kay Ruth Naperi ang Instructor sa Baking ang Pastry.
Bagamat kasa-kasama nito ang kanyang manugang na unang nang nag-aral sa naturang kurso na siyang umaalalay sa pagpasok at paguwi, si Lola Pasensia raw mismo ang gumagawa sa loob ng klase gaya ng pagmamasa at iba pa liban nalamang sa pagsasalang sa Oven.
Ang mga classmate nito hindi maiwasang humanga sa dedikasyon ni Lola Pasensya.
“Nakakasabay siya kung minsan nauunhan nya pa nga kami e.” ayon sa kaklase nito.
Aminado ang pamunuan ng LMSTC na noong una medyo alangin sila kay Lola ng mai-enroll ito sa Baking and Pastry Production dahil sa posibleng panganib dala ng katandaan pero ipinakita daw nito na kaya niya, katunayan nga raw may mga international visitor ang humanga sa kanya na maigawa nya ng masarap na tinapay.
“Pag babasihan natin ay edad, kami po ay medyo alanganin na tanggapin pero si lola talaga ang persistent na makapasok sa amin sabi nya gusto nyang malibang yoon ang unang sinabi nya sa amin pero eventually ng makita ko po maipagluto nya yung bisita naming koreano na talaga pong nakakabilib si lola.” sabi yan ni Glenda Jaca Maglonso ang DLL LMSTC Program Chairperson.
Si Lola Pasensia Amparo ay residente ng Brgy. Market View at balo na sa ngayon ay larawan ng ng Filipinang matatag, isang huwarang ng mga kakaihang hindi lang sa Lucena City maging ng bansa.
Si lola ay sumasalamin sa Women Empowerment.