News

Labor Day clean up drive, ikinasa sa Tagkawayan, Quezon

Ipinagdiwang ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, Quezon ang Labor Day sa pamamagitan ng paglulunsad ng river clean up drive.

Sama-sama ang mga miyembro ng Association of Municipal Employees of Tagkawayan (AMULET) sa paglilinis ng katubigan sa Brgy. Bagong Silang.

Karamihan sa mga basurang naipon ng grupo ay mga plastic bag, bote at upos ng sigarilyo na maaari umanong makapinsala sa ilog.

Ayon sa local government, marami pang mga organisasyon at indibidwal ang tumulong sa pagtugon sa problema sa basura tulad ng TK Divers na nakatuon sa pagprotekta sa municipal waters ng Tagkawayan.

Dagdag pa dito, ang pagdiriwang daw ng Labor Day sa pamamagitan ng pakikilahok sa clean up drive ay isang magandang paraan upang ipakita pagpapahalaga ng mga manggagawa sa pangangalaga sa kapiligiran.

Pin It on Pinterest