News

Araw ng kapanganakan ni dating Pang. Manuel Luis Quezon ginunita sa lalawigang sa kanya ipinangalan

Nagasagawa ngayong araw ng Sabado, August 19 ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni dating Pangulo Manuel Luis Quezon bilang pag-alala sa ika isang daang at tatlumput siyam na kapanganakan nito. Isinagawa ang pag-aalay sa dulong bahagi ng Perez park kung saan naroroon ang monumento ng dating pangulo ng bansa. Dinaluhan ni Gov. David Suarez at maybahay nitong si ALONA Partylist Cong. Anna Marie Suarez at magulang ng gobernador, Cong. Danilo Suarez at dating Cong. Aleta Suarez. Kasama ring dumalo si Vice Governor Sam Nantes mga bokal ng lalawigan ng Quezon at iba pang mga opisyal ng pamahalaan sa buong lalawigan. Nag-alay naman ng misa para sa dating presidente ng Pilipinas.

Si dating Pang. Manuel Luis Quezon ay nagsilbi sa bansa mula 1935 hanggang 1944 bilang pangulo. Sa kanya rin ipinangalan ang kasalukuyang Lalawigan ng Quezon na ang dating pangalan ay Tayabas.

Pin It on Pinterest