News

Drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Lucena City

Naaresto nitong Martes ng gabi, April 25 sa isang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Lucena City Police Station ang isang lalaki na kinilalang si alyas ‘Macmac’.

Kinilala ng Lucena PNP ang naaresto na si Mark Anthony Sabinosa, 30-anyos at residente ng Purok Little Baguio 1 ng nasabing barangay at kabilang sa Street Level Individual list ng mga awtoridad.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Purok Happy Valley, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Agad naaresto ang suspek matapos positibong makabili ng P500.00 droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga sa street value ng mahigit P33,660 at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Pin It on Pinterest