News

Paglilipat ng ilang aktibidades ng Pasayahan sa Lucena, ipinaliwanag ni City Tourism Officer Arween Flores

Isa sa mga kilala at inaabangang pagdiriwang sa Lungsod ang Pasayahan sa Lucena.

Kung saan matutunghayan dito ang makukulay na banderitas, iba’t ibang aktibidades gaya ng Chami Cooking Contes, Binibining Pasayahan, Mayor’s Night, Tiangge sa kahabaan ng Quezon Ave., Carnival Rides sa Pacific Mall at marami pang iba.

Hindi gaya ng kinasanayan, kamakailan ay kinuwestiyon ng marami ang paglilipat umano ng ilang aktibidades ng Pasayahan sa Lucena City Government Complex gaya ng tiangge, carnival rides, food stalls at iba pa, kung saan nagtayo ng Pasayahan Village at dito inilipat ang mga nabanggit.

Sa isang panayam kay City Tourism Officer Arween Flores ipinahayag nito ang ilan sa mga rason ng paglilipat umano ng ilang aktibidades sa Pasayahan Village.

Una na dito ay ang pag iwas sa dulot nitong trapiko at pagdumi o pagkakalat sa kabayanan.

Sumunod ay ang panawagan ng karamihan sa mga negosyante dahil umano sa natatakluban ang kanilang mga pwesto sa Poblacion.

Dagdag pa ni Flores mas convenient naman ito para sa mga stall owner dahil umano kung dati ay may oras lamang ang paglalagay ng kanilang mga paninda samantalang sa Pasayahan Village ay premanente na ang kanilang mga paninda.

Isa pa rito ay mas mura daw ang upa sa Pasayahan Village kumpara sa mga nagdaang pwesto.

Kaugnay nito sinabi ni City Tourism Officer na ninanais ni Mayor Mark Alcala na mabigyan ng masaya, kakaiba at komportableng Pasayahan sa Lucena ang mamamayan.

Pin It on Pinterest