Lucena City Mayor Mark Alcala, matibay ang suporta sa autism community
Kaagapay ng mga neurodivergent at kanilang mga magulang si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Bilang pakikiisa sa 30th National Autism Consciousness Week, pinangunahan ng alkalde ang paglagda sa ‘Pangako Wall’ at panunumpa para sa pagsusulong ng pantay na karapatan at mas inklusibong pamayanan.
Kasama ni Mayor Mark si Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at mga lokal na opisyal ng Pamahalaang Panlungsod.
Kinilala ng nakababatang Alcala sa kanyang pananalita sa flag cemony ang magulang at caretakers na patuloy na lumalaban sa gitna ng mga pinagdadaanan araw-araw.
“Tagos sa aming mga magulang at nag aalaga ng mga batang may Autism ang iyong speech Mayor Mark Mayor Mark Alcala . Thanks for recognizing US. Totoong napakahirap magkaron ng batang kagaya nila na aalagaaan mo Pero eto ay nagiging magaan sa tulong ng biyaya ng Diyos at sa mga kagaya nyo na handang magmalasakit sa mga kagaya namin,” pahayag ni Gina Noscal, officer ng Autism Society Philippines-Lucena, isang autism support group na binubuo ng mga pamilya, taong may autism, educators at professionals para sa suporta, awareness, training, at advocacy para sa mga nasa specturm.
“Nakakatuwa si Mayor kasi kitang kita mo sa kanya ang concern sa mga batang may special na pangagailangan kaya naman ramdam din siguro ng mga ausome kiddos na kasama namin na sila e tanggap at welcome kay Mayor kaya makikita mo sa mga bata na akap akap pa sya,” dagdag pa ni Noscal nang bumisita ang samahan sa tanggapan ng punong lungsod.
Naghandog din si Mayor Mark sa samahan ng libreng panonood ng pelikulang I’mPerfect tumatalakay sa autism at sa mga hamon ng pamilya at lipunan sa pag-unawa at pagtanggap.
“Thank you Mayor Mark Alcala at nakapanuod din ng I’m perfect sa SM cinema ng libre pa dahil sa iyong kabaitan sa aming mga magulang at mga individual na may mga special na pangangailabgan. Di lang po basta panunuod ang nagawa ng mga individual na may autism na nakapasok sa sinehan dahil napatunayan din nila na kaya rin pala nila makatiis ng ganun katagal sa loob ng sinehan,” kwento pa ni Noscal.

