Magsasaka, mangingisda at hog raisers sa bayan ng Infanta, nakatanggap ng Financial Assistance
Ginanap kahapon, January 27, 2023 ang pamamahagi ng tulong pinansyal, corn seeds at mga fertilizers mula sa Pamahalaang Panlalawigan para sa mga magsasaka, mangingisda at nag aalaga ng mga hayop na pang kabuhayan sa bayan ng Infanta.
Mahigit isang libong Infantahin mula sa sektor ng agrikultura ang makakakuha ng limang libong piso (5,000) na tulong pinansyal, mga agricultural inputs at kagamitan mula sa Department of Agriculture.
Nagbigay din ng mga panimulang alagang hayop para sa Project INSPIRE na ang IBHRA o Infanta Backyard Hog Raiser Association ang pangunahing benepisyaryo.
Taos pusong nagpapasalamat naman ang ipinaaabot lokal na pamahalaan ng Infanta sa mga tulong at programa para sa sektor ng agrikultura sa nasabing bayan.
Malaking bagay umano ito upang magkaroon ng masaganang ani ang mga Infantahin na umaasa sa pagsasaka, pangingisda at pag aalaga ng mga hayop bilang kanilang hanap buhay.
Patuloy naman na kinikilala ng lokal na pamahalaan ang importansya at kahalagahan ng sektor ng agrikultura na isa sa mga nagpapatakbo ng ekonomiya sa bayan ng Infanta at isa din sa mga naging bayani nitong panahon ng pandemyang dulot ng Covid-19.