85-anyos na Ginang patay sa Sunog sa Atimonan, Quezon
Patay ang 85-anyos na Ginang matapos ma-trap sa isa sa mga kwarto ng nasusunong na bahay sa Sitio Manggahan Brgy. Tagbakin, Atimonan Quezon, gabi ng Jan. 26, 2023.
Ayon sa Atimonan BFP bedridden na raw ang senior citizen na biktima at naiwang solo bahay habang may binibili sa labas ang kasama nito nang mangyari ang sunog.
‘’Tatlo yung room sa bahay nandoon po siya sa gitnang room, doon di nakita ang kanyang katawan”, ang sabi ni FO3 Ronald Layugan ng BFP Atimonan.
Tumagal ng nasa isang oras bago naapula ang nasunog na bahay.
Batay sa BFP Atimonan, 6:30 na ng gabi ng maitawag sa kanilang himpilan ang insidente, ayon daw sa mga residente alas 6:00 palang ng gabi ng mangyari ang sunog.
Alas 7:45 ng gabi ng maideklara itong Fire out, sa inisyal na imbestigasyon ng BFP ng naturang bayan higit isa at kalahating milyong piso ang naging pinsala sa ari-arian.
Sa ngayon patuloy pa raw nilang iniimbesitagan kung ano ang sanhi sa naging sunog.
‘’Sa ngayon po iniimbestagan po yung pinagmulan ng sunog, estimated damage is a P1,560,000”