News

Posibleng epekto ng El Niño, pinaghahandaan ng LGU Dolores

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Dolores, Quezon ang maaaring maging epekto ng El Niño sa iba’t ibang sektor sa kanilang bayan.

Nagpulong nitong Martes ang LGU kasama ang mga Kapitan ng mga barangay, representative’s ng Tourism Stakeholders, Dolores Water District, mga magsasaka at iba pang asosasyon upang mapag-usapan at makapagbalangkas ng mga hakbang ukol dito.

Isa sa tinalakay sa pagpupulong ang pagbuo ng local government ng Task Force El Nino na tututok sa mga gagawing paghahanda katulong ang ibat’t ibang ahensiya.

Ayon sa LGU, ang paparating na El Nino ay inaasahan na makakaapekto sa kabuhayan at ekonomiya kung kaya’t kailangan itong mapaghandaan.

Ang El Niño phenomenon ay ang panahon na mababa ang tsansa ng pag-ulan.

Matatandang naglabas ang PAGASA ng El Niño alert nitong nakaraan linggo matapos ipakita ng mga model forecast na papasok ang naturang phenomenon sa susunod na tatlong buwan mula Hunyo, Hulyo at Agosto at may 80 percent probability na maramdaman ito hanggang sa unang quarter ng 2024.

Pin It on Pinterest