News

3 Patay sa magkasunod na insidente ng Pamamaril sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Purok Narra, Barangay Isabang Lucena City.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian rin ng buhay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t iba pang bahagi ng katawan.

Kinilala ang biktima na si Dennis Amat 48-anyos.

Pasado alas 7:00 ng umaga ayon sa ilang residente ilang putok ng baril ang kanilang narinig.

Batay sa spot report ng Lucena PNP, papauwi na ang biktima sakay ng kanyang single na motorsiklo sa kanilang bahay sa Our Lady of Lourdes Subd. nang papasok na ito sa subd. ng ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem na kaagad na tumakas sakay ng itim na motorsiklo.

Ayon sa ilang residente ang biktima ay galing umano sa paghahatid ng anak papasok sa eskwelahan.

Nasa walong basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga awtoridad sa crime scene.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente at kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktima.

Samantala, bago ang insidenting ito isang araw lamang ang nakalipas, noong umaga ng May 9, patay din ang mag-ama sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Barangay Mayao Castillo.

Batay sa report ng Lucena Pnp, alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng Brgy. road of Purok Central Brgy. Mayao Castillo ihahatid sana ng biktimang si Michael Gadia Garcia, 43-anyos ang kanyang menor de edad na anak na babae sa ekwelahan sakay ng tricycle ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilang mga suspek.

Dead on the spot si Michael Garcia na isang tricycle driver matapos na magtamo ng tama ng mga bala sa dibdib at binte tinaman din ng bala sa katawan ang anak nito na naisugod pa sa pagamutan subalit dead on arrival.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Sa magkasunod na insidente ng pamamaril na ito sa Lucena City, sa ngayon wala pang tugon ang Lucena PNP, ilang beses nagtungo ang Bandliyo News sa himpilan ng Pulisya ng syudad subalit wala raw sa opisina ang Chief of Police.

Pin It on Pinterest