Tanggol Quezon, nanawagan na palayain na ang mga detinidong pulitikal
Naglunsad ng silent protest ang Tanggol Quezon kasama ang mga paralegal at pamilya ng mga detinidong pulitikal sa harap ng Quezon District Jail, Pagbilao, Hunyo 16.
Panawagan ng grupo na bigyan ng maayos na trato sa loob ng piitan ang mga detinidong pulitikal at kagyat silang palayain mula sa gawa-gawang kaso.
”Sa araw-araw na nasa loob ng piitan ang 8 detinidong pulitikal, walang humpay na terror-tagging ang kanilang nararanasan. Pinaghihigpitan ang kanilang karapatang mabisita at matawagan ng kanilang mga pamilya at paralegal,” pahayag ni Paul Tagle, tagapagsalita ng Tanggol Quezon.
Dagdag pa niya, wala ring maayos na suplay ng tubig at kapos sa pagkain ang serbisyong ibinibigay sa kanila ng administrasyon ng QDJ.
Samantala, kasabay ng hearing sa kaso nina Lino Baez at Willy Caparaño ngayong araw, naglunsad ng isang kilos-protesta ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa rehiyon sa pangunguna ng Tanggol Batangan para sa kagyat na pagpapabasura sa gawa-gawang kaso laban sa dalawa.
Sina Baez at Capareño ay tubong Batangas na arbitraryong inaresto at tinaniman ng baril at bomba sa Sariaya, Quezon noong 2021. //via Tanggol Quezon