VG Third Alcala, nagpaalaala sa mga netizen vs fake accounts
Muling nagpaalala si Quezon Province Vice Governor Anacleto “Third” Alcala III na maging mapanuri sa social media partikular sa mga dummy o fake accounts.
“Hindi po ako mag-sesend ng friend request o personal message. Pakisuyo po, huwag i-accept ang anumang friend request o message mula sa mga pekeng account,” saad ng bise-gobernador sa kaniyang Facebook post nitong Hunyo.
Ilang beses ng naging biktima si VG Alcala ng panggagaya ng pangalan, larawan, at iba pang impormasyon upang pagmukhaing totoo na posibleng gamitin bilang modus.
Matatandaang noong Abril, pinaalalahanan din niya ang publiko na iisa lamang ang kanyang opisyal na Facebook Page.
Nananawagan siya na kung maaari ay i-report ang mga pekeng account upang tuluyan na itong mawala at hindi magamit ng mga kawatan sa panloloko.