Maagang Paskuhan sa mga senior citizen, isinagawa sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City
Mahigit isang libong senior citizen sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City ang tinipon ng Sangguniang Barangay para sa isang maagang paskuhan bilang pagpupugay sa mga nakakatandang sektor sa naturang komunidad.
Makalipas ang dalawang taon na Pagkakakulong sa mga tahanan bunsod ng panganib na dala ng hawahan ng Covid-19, umanga Dec. 16, 2022 muling nagsama-sama para sa isang Year End Assembly ang mga lolo at lola ng Baranggay ibabang iyam upang kahit paano raw sabi ni Kapitana Gina Sares ay mabigyan sila ng kahit konting kasiyahan higit isang linggo bago sumapit ang pasko.
‘’Bukod po sa birthday cash gift na ating ibinibigay sa ating mga senior citizen so ngayon tayo po ay nagkaroon ng kaunting kasiyahan, mayroon po tayong mga parafle, pa-games po sa ating minamahal na senior citizen’’, sabi ni Kapitana Gina Sares.
Ang kasiyahang ito ay pinondohan mismo ng kanilang Sangguniang Barangay bilang pagkilala ngayong kapaskuhan sa mga kontribusyon ng nakakatandang sektor sa tinatamasang kaunlaran ng kanilang lugar, bilang pagpupugay sa mga ito sinabi ni Kapitan Sares marapat lamang na sila ay suklian ng pagkalinga.
‘’Malaking amabag po ang ating senir citizen sila naman po sadya ang priority natin sabi nga natin noong unang upo natin sila una nating binigyan ng programa namabigyan po sila ng birthday cashgift’’ayon kay Kapitana Gina Sares.
Sa Tala ng Barangay nasa 2,700 na senior citizen mayroon sa kanilang community. Ang mga ito ay nakakatangap ng 300 pesos birthday cash gift mula mismo sa pondo ng kanilang barangay bukod pa ang ibinibigay ng lokal na pamhalaan.
Sa pagtatapos ng taong ito sa pagluluwag ng mga restriksyon laban sa COVID-19, ngayong papalapit na ang pasko isang kaligayahan daw na sila ay magsama-sama.
‘’Lalo ngayon malapit na ang kapaskuhan ngayon po ang pagkakataon na muli silang magkasamasama dahil hindi natin naisagawa ng mahabang panahon ng monthy meeting, ito po yoong naging project ng ating Sanggunian na ngayon po naman year end assembly na magkasama-sama po sila at mabigyan ng kasiyahan” sinabi ni Kapitana Gina Sares.