LocalNews

Tubig sa spillways sa San Antonio, umapaw dahil sa walang tigil na pag-ulan

Bunsod nang walang tigil na pag-ulan, umapaw ang tubig sa mga spillway sa San Antonio, Quezon partikular sa mga barangay ng Bulihan at Magsaysay, Hunyo 10.

Ilang oras na hindi nadaanan ang kalsada sa mga nabanggit na lugar dahil pag-overflow ng tubig.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dulot ito ng mga basura at nakahambalang na malalaking kahoy sa spillways.

Agad namang nakipagtulungan ang tanggapan sa mga sangguniang barangay upang malinis ang lugar. Samantala, nauna nang nagbalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente matapos mapabilang ang lalawigan ng Quezon sa Yellow Warning Advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). //via San Antonio MDRRMO

Pin It on Pinterest