Incubators para sa paghahayupan o livestock farming, handog sa bayang ng Gumaca
Naghandog ng incubators sa bayan ng Gumaca ang Department of Agriculture Region IV sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterian at Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Doktora Helen Tan.
Ang mga naturang kagamitan ay naipagkaloob sa isalim ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Project o DRRAP.
Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito ay muling maibabangon ng mga Gumacahin ang kanilang kabuhayan buhat sa pananalanta ng mga nagdaang bagyo.
Bukod pa rito kamakailan ay ipinamahagi ang mga manok na kanilang paiitlugin kaya naman mas mapapalago ng mga magsasaka ang kanilang produksyon sa paghahayupan.
Ang mga incubators na ipinagkaloob ay makakatulong sa hatchery o paglimlim at pagpapapisa ng itlog upang maging sisiw.
Lubos namang nagpapasalamat ang buong Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa pangunguna ni Mayor Webster D. Letargo sa Kagawaran ng Agrikultura – Rehiyon IV at sa Office of the Provincial Veterinarian.
Ipinapangako naman ng Alkalde ng nasabing bayan na ang suporta sa mga magsasaka ay patuloy na pasisiglahin.