LocalNews

20-anyos na lalaki, patay sa pamamaril habang nasa trabaho

Nasawi ang isang 20-anyos na empleyado ng isang milk team shop sa Barangay Market View, Lucena City matapos barilin ng suspek gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril, Marso 21 bandang 7:20 ng gabi.

Batay sa ulat ng pulisya, nagluluto sa loob ng pinagtatrabahuhan niyang tindahan ang biktimang si alyas Carlos, residente ng Barangay Bocohan ng biglang barilin ng suspek na kinilalang si alyas MayMay na agad na tumakas matapos ang insidente.

Kasalukuyan na umanong pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.

Isa sa tinitingnang motibo ang ‘love triangle’. Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen.

Pin It on Pinterest