News

SLEX Worker, patay sa pamamaril ng nakaalitang sekyu

Sa Calamba City, Laguna, patay ang service worker ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos barilin ng nakaalitang OIC ng mga security guard ng isang industrial park sa Brgy. Batino, nitong Sabado ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktimang si “Ronald” kasama ang ilan pang trabahador na malapit sa perimeter wall sa pagitan ng SLEX at ng Calamba Premiere Industrial Park nang makasagutan nila ang suspek na si “Demetrio” kasama ang isa pang security guard dahil sa sapilitang pagpapaalis sa lugar.

Sinabi umano ng mga trabahador na nagpapahinga lamang sila saglit sa lugar na katapat ng kanilang ginagawang road repair project sa loob ng SLEX.

Subalit sa gitna raw ng pagtatalo, umalis ang suspek at nang bumalik ay may dala ng maiksing kalibre ng baril at pinaputukan ang mga service worker.

Nakunan mismo ng video ang pamamaril ng suspek na tumakas ngunit sumuko rin kinabukasan sa CIDG Cabuyao.

Sasampahan siya ng kasong murder maging kasama niyang isa pang sekyu dahil sa pagpapabaya sa kanyang makatakas.

Pin It on Pinterest