News

Anghang ng Bicol Spicy Oragons, hindi umubra sa Quezon Titans

Hindi ininda ng Quezon Titans ang anghang ng Bicol Spicy Oragons sa President’s Cup 2024 ng Pilipinas Super League, 98-81, Peb. 15.

Nagmistulang homecourt ng Titans ang Filoil Ecooil Centre matapos magpasiklab ng slamdunk party sina NCAA Season 98 MVP Will Gozum kasama ang former Tamaraw cagers na sina Rodel Gravera at Ximon Sandagon sa 3rd quarter.

Kumamada si 6’4 ft forward Gravera ng12 puntos na may 5-5 field goals sa 2-point area para pangunahan ang Titans sa one-sided na match-up mula mula first hanggang fourth quarter.

Umambag naman sina Sandagon at Jeric Teng ng tig-10 puntos para sa masungkit ang 10-2 kartada na ikaapat sa team standing ng torneyo.

Samantala, nanganganib naman ang Oragons na hindi na makapasok sa playoffs matapos ang pagkatalo.

Box Score: Gravera-12,Sandagon-10,Teng-10, Torres-9,Gozum-9,Matillano-9,Fuentes-8,Payawal-7,Rivero-7,Placino-6,Roño-4,Opiso-4, Abundo-2

Maullion-26,Sedillo-16,Brillantes-15,Publico-12Mendoza-6,Garcia-4,Gatus-2

Pin It on Pinterest