News

386 na appointed officials ng Tayabas City tumanggap ng cash subsidy

Tumanggap ng tig-one thousand five hundred pesos (P1,500) ang 386 appointed barangay officials buhat sa 12 barangay ng Tayabas City.

Sila ay iyong mga kabilang sa 3rd batch ng financial subsidy distribution. Nagtipon-tipon ang mga ito sa bulwagan ng New Tayabas City Hall ngayong Huwebes, June 8, 2023 para sa naturang financial subsidy na malaking bagay para sa mga ito bilang karagdagan sa kanilang mga gastusin.

Umabot sa halagang P578,500 ang ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga appointed officials na kinabibilangan ng mga Bantay Bayan, Lupong Tagapamayapa, Barangay Health Workers, BRK, Brgy. Secretary at Brgy. Treasurer. Ang subsidy ay pagpapakita ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ng pagpapahalaga at pagkilala sa mahusay nilang pagtupad sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng pamahalaan.

Samantala sa naturang pagtitipon sa harap ng mga benepisyaryo, buong pagmamalaking ibinandilyo ni Mayor Lovely Pontioso ang nalalapit nang pagbubukas ng Tayabas Satellite Market ng kanilang lungsod.

Malaking tulong raw ito upang mas mapabuti at patuloy na mailapit sa sa mga tao ang serbisyo. Ipinagmalaki ng alkalde ang mga matatagumpay na programa, proyekto at mga gawain ng administrasyong Reynoso, ang administrasyon ng yumaong alkade ng lungsod na ipinagpapatuloy ngayon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.

Pin It on Pinterest