News

40% DOLE-Share Salary tinanggap na ng SPES Beneficiaries sa bayan ng Atimonan

Kamakailan ay isinagawa ang pamamahagi ng 40% DOLE-Share Salary sa Bulwagang Balagtas sa Atimonan, Quezon para sa 211 na SPES o Special Program for Employment of Students Beneficiaries na sumailalim sa programang SPES nitong taong 2022.

Kasamang dumalo ng mga benipesyaryo sa nasabing programa ang kanilang mga magulang.

Ito ay pinangangasiwaan ng Department of Labor and Employment o DOLE Quezon Provincial Office katuwang ang Public Employment Service Office o PESO.

Sa pangunguna ni Mr. Rizaldy S. Veranga- PESO Manager at sa suporta ng lokal na pamahalaang bayan ng Atimonan sa pangunguna ni Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Zenaida Veranga at sa pagsuporta nina Gov. Doktora Helen Tan at Cong. Atorni Mike Tan.

Matatandaang nitong nakaraang December 7, 2022 ay natanggap na ng mga SPES beneficiaries ang kanilang 60% LGU- Counterpart Salary, at ang 40% DOLE counterpart salary na kanilang natanggap ay inaasahang makakatulong pandagdag sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral at pangangailangan.

Pin It on Pinterest