5-year moratorium sa pagpuputol ng niyog, ipapatupad sa Macalelon, Quezon
Pasado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang 5 taong moratorium sa pagpuputol ng puno sa Macalelon, Quezon.
Sa regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, sinabi PCL President Angelo Eduarte, Chairman ng Committee on Agriculture na mula ito sa mungkahi ng Sangguniang Bayan ng Macalelon, sa pangunguna ng kanilang Vice Mayor Carmen Vidal upang mapangalagaan ang industriya ng niyog sa bayan.
“Ay siyang nagpatunay na kinakailangan na po sa kanilang bayan ay mahigpit para sa ganito pong uri ng pagpuputol ng puno at nakikita nila na yayabong ang puno ng niyog paglipas ng limang taon.”
Sinabi ni Vice Mayor Vidal sa isinagawang commitee hearing nitong Huwebes na nais nilang maipatigil ang walang habas na paglapastangan sa kalikasan partikular ang pagpuputol ng puno ng niyog.
Sa pamamagitan ng kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang hindi awtorisadong pagpuputol ng puno ng niyog sa bayan ng Macalelon sa loob ng limang taon.