Mga batang atleta ng Lucena City, wagi ng Gintong Medalya sa Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City
Binigyan ng parangal at cash incentives ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ang mga batang manlalaro ng Lungsod ng Lucena sa isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, February 20 bilang pagkilala sa kanilang galing at husay sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan.
Ito’y matapos na mag-uwi ng karangalan at Gintong Medalya, Silver at Bronze sa naturang lungsod sa katatapos na Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Nag-uwi ng limang gintong medalya sa larong swimming si Julian Louwers De Kam, tatlong gold at tatlong silver naman si Peter Cyrus Dean, tatlong gold, isang silver at bronze si Kristian Yugo Cabana, isang gold at isang silver si Zahjeed Isaac Sarmiento habang gold si Reinelle Jan Mikos Trinidad at tatlong silver kay Ashby Joyce Canlas.
Nasungkit naman ni Cloe Moira Zeta ang gold at dalawang bronze kay Lance Joseph Macatangay sa arnis.
Nagwagi naman ng gold medal si Rafael Sinohin sa Dance Sport, wagi naman sa silver medal sina Jimuel Roy Alcantara, Prince Jervin Oriola at Froilan Perillo sa Archery.