News

Libreng x-ray at gene expert sputum examination, ibinaba sa ilang barangay sa Tayabas City

Umabot sa 160 residente ng Lungsod ng Tayabas ang nakinabang sa isinagawang libreng x-ray at gene expert sputum examination nitong Martes, October 3.

Mula sa nasabing bilang ng residente, nakibang dito ang mga taga Barangay Calumpang, Isabang at Gibanga.

Ito’y libreng ipinagkaloob ng Tayabas City Health Office-TB Dots sa pakikipagtulungan ng Culion Foundation, Philippine Business Social Progress (PBSP) at Department of Health.

Noong araw ding iyon ay bumisita si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Covered Court ng Barangay Calumpang kung saan isinasagawa ang laboratory mission upang kumustahin ang mga Tayabasin nag-avail ng libreng x-ray.

Matatandaang pangunahing prayoridad na agenda ng administrasyong Reynoso ang kalusugan ng lahat ng mamamayan nito.

Dumalo rin sa aktibidad sina Barangay Calumpang Chairperson Rosa Maria Quindoza at Yolly Lacorte ng Barangay Gibanga.

Nitong Miyerkules, October 4 nagsagawa rin ng nasabing laboratory mission sa BHS Mateuna.

Pin It on Pinterest