News

Area Police Command – Southern Luzon bumuo ng advisory group; Oath-taking ceremony ng mga miyembro isinagawa na

Nanumpa sa tungkulin ngayong umaga ang mga miyembro ngayon ng Advisory Group ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL).

Pinangunahan ang Oathtaking Ceremony ni APC-SL Commander PLTGEN Rhoderick Armamento.

Ang Advisory Group ay binubuo mula sa PNP retirees, religous sector, business sector, local government unit, academe sector at media sector.

Nanumpa ang mga ito na taos-pusong tutuparin ang mga tungkuling nakaatang sa kanila at iba pang panunturan kalakip sa pamantayan, pribilehiyo at limitasyong naayon sa kapisanan ng National Advisory Council.

Ayon kay PLTGEN Rhoderick Armanento, kailangang bantayan ang kapayapaan para sa ating bayan.

Nagsilbing Guest Speaker si Ret. PBGEN. Noel A. Baraceros, ang Presidente ng Bayaning Pulis Foundation Inc.

Bisita rin sa aktibidad si PBgen. Victor Arevalo, Director ng Center for Police Strategy Management (CPSM) at mga opisyal ng APC-SL.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Clubhouse ng Southern Luzon Command sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City.

Pin It on Pinterest