NewsSports

Ikatlong sunod na panalo sa MPBL, nasungkit ng Huskers

Nanatiling malinis ang kartada ng Quezon Huskers matapos pataubin ang Manila SV Squad Batang Sampaloc SGA, 70-65 sa triple header ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa San Andres Sports Complex, Abril 29.

Umalagwa ang Huskers sa 4th quarter matapos magpakawala ng three points ni rookie guard Zyrus Torres na sinegundahan pa ng isang tres ni Pilipinas Super League Finals MVP Judel Fuentes na tuluyan nang nakapagpabaon sa Manila SV Squad.

Tinanghal na player of the game si Torres na may 11 puntos at apat na rebounds.

Abante na sa ikatlong pwesto ang Huskers sa South Division sa kartadang 3-0 habang bagsak sa ikaanim na posisyon ang SV Squad na may 3-2 standing. //MSReyes

Pin It on Pinterest