Mga mag-aaral ng Pandakake Integrated School sa Tayabas, magiging libre na ang pananghalian
Magsisimula na sa Agosto 22 ang 120 Days Feeding Program ng Pandakake Integrated School katuwang ang Pamahalaang Pambarangay, at Rise and Rebuild International Foundation na magbibigay ng libreng pananghalian sa mag-aaral.
Ibinahagi ni School Head Adrian Maaño na layunin ng programa na mapataas ang antas ng nutrisyon sa mga mag-aaral sa naturang paaralan.
Ipinangako niya na tiyak na may bigas na magagamit sa pagpapatakbo ng programa habang sasagutin naman ng pamahalaang pambarangay sa pangunguna ni PB Oscar Maaño ang mga kagamitan sa pagluluto gayundin ang deliveries ng pagkain.
Masusustansyang gulay naman at ulam naman ang ibabahagi ng Rice and Rebuild International Foundation.

